Trade war ng US at China, maliit lamang ang epekto sa Pilipinas

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang hindi gaano apektado ng trade war sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Ito ay ayon sa ASEAN+3 Macroeconomic Research Office o AMRO.

Ayon kay AMRO Chief Economist Hoe Ee Khor, magkakaroon lamang ng minimal impact sa Pilipinas ang trade war ng dalawang makapangyarihang bansa maging sa worst case scenario.


Aniya ang Pilipinas ay hindi bahagi ng global value chain, pero isang service economy kaya hindi masyado mararamdaman ang epekto ng trade tensions sa pagitan ng US at China.

Ang China at US ay itinuturing na world’s biggest economies.

Facebook Comments