Ipinag-utos ng isang Chinese court ang pag-ban sa pagbebenta at pag-import ng karamihan sa mga iPhone models.
Ito ay kasabay ng trade war pagitan ng China at Estados Unidos.
Hindi naman sakop ng ban ang mga bagong modelo gaya ng iPhone XS, XS Plus at iPhone XR.
Aabot sa 10% hanggang 15% ang kasalukuyang iPhone sales sa China ang apektado ng ban.
Ang ban ay resulta ng paghain ng kaso ng microchip maker na Qualcomm sa kumpanyang Apple Inc. dahil sa paglabag nito sa patent ng mga lumang iPhone models.
Handa naman ang Apple na harapin ang kaso sa korte.
Facebook Comments