TRADE WAR | Pilipinas, naghahanda na sa posibleng epekto ng trade war ng U.S. at China

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Pilipinas ang magiging epekto ng trade war sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina.

Ang U.S. at China ay biggest trading partners ng bansa.

Ang trade war ng dalawang country giants ay pinangangambahan ng ilang sector na magresulta ng global economic slowdown.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang ating trade at finance departments ay inaalam na kung alin sa mga ine-export nating produkto ang posibleng maapektuhan ng awayan sa kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Nabatid na nagpataw si U.S. President Donald Trump ng malaking taripa sa Chinese exports at inakusahan pa ang China ng intellectual property theft.

Facebook Comments