Matapos ang isinigawang pag-iikot sa palengke ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) tila nalilinawan na kung bakit masyadong mahal ang presyo ng pangunahing bilihin.
Sa manok palang nabatid over price na agad ang bigay ng mga trader sa presyong 120 pesos kada kilo habang papatungan pa ito ng 40 pesos ng mga nagtitinda.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez dapat bago maipasok sa palengke ang produkto dapat naitama na agad ang presyo nito samantala magsisilbing taga monitor ng presyo ang DA. Ang DTI naman ang mag-iissue ng letter of inquiry habang maari naman magsumbong sa pulisya kapag may nakitang over price na paninda.
Facebook Comments