Scotland – Tradisyon na daw sa Scotland na bago ikasal ang magkasintahan ay pinapaliguan muna sila ng kung anu-ano.
Tinatawag daw ito na “blackening” kung saan bago ganapin ang araw ng kasal ay kailangang silang paliguan ng malalapit nilang kaibigan o kapamilya ng kung anu-ano tulad ng itlog, abo ng uling, pintura, kape o kaya’y iba’t ibang uri ng sawsawan at pagkatapos nito ay ipaparada sila sa buong baryo para makita ng lahat.
Kahit nakakahiya, para sa mga taga-Scotland, pinaniniwalaan daw sila na patitibayin nito ang relasyon ng mag-asawa sa kanilang kakaharaping pagsubok sa kanilang pagsasama.
Facebook Comments