Posibleng mawala ang 60% bumabyaheng tradisyunal na jeepney sa lansangan ng Pangasinan kung magtuloy -tuloy ang PUV Modernization Program ng gobyerno,ayon sa grupong One Pangasinan Transport Federation.
Sinabi ni Bernard Tuliao, ang presidente ng OPTF sa IFM News Dagupan, nakatakdang magkaroon ng public consultation ang mga ito sa mga jeepney drivers sa susunod na buwan upang malaman ang eksaktong bilang ng mga maaaring maapektuhan ng programa.
IniHalimbawa ni Tuliao ang rutang Calasiao-Dagupan na nasa higit 400 na bumabyaheng jeep ay posibleng maging kalahati na lang, gayundin sa iba pang mga bayan.
Isa rin sa itinuturong dahilan ang pagkakaroon lamang ng maliit na porsyento ng nabigyan ng prangkisa.
Samantala, umaasa ang grupo na mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na ma-itaas sa 15 pesos ang minimum fare kahit pa mayroong kapiranggot na rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨