Muling kinansela ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ang tradisyunal na “Alay Lakad” patungong Antipolo Cathedral ngayong Semana Santa.
Ayon sa Antipolo-Local Government Unit (LGU), ito ay bilang pag-iingat na rin sa posibilidad na pagsipa muli ng kaso ng COVID-19.
Bukod dito, bawal pa rin ang mass gathering na posibleng magdulot ng superspreader event.
Apela ng lokal na pamahalaan sa mga deboto, magnilay muna sa kanilang sariling pamamaraan.
Ito na ang ika-tatlong taon na kinansela ang tradisyunal na Alay Lakad kung saan milyu-milyong deboto mula sa iba’t ibang lugar ang umaakyat sa Antipolo Cathedral para magdasal.
Facebook Comments