Tradisyunal na Mass wedding sa Camp Crame, hindi mangyayari sa Valentine’s Day

49

Walang mass wedding na magaganap sa Camp Crame ngayong Valentine’s Day.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesman Superintendent Bernard Banac, kaugnay ito sa taunang tradisyon sa Camp Crame kung saan nagpapakasal ng sabay-sabay ang mga Police at non-uniformed personnel sa kanilang mga kasintahan tuwing Valentine’s Day.


Ang PNP Chief at mga matataas na opisyal ang kalimitang tumatayong sponsor sa mga bagong ikakasal na PNP personnel sa mass wedding.

Walang dahilang binigay ang PNP sa pagkakataong ito, pero si PNP Chief PDG Oscar Albayalde ay nakatakdang magtungo ng Baguio City para sa PMA Alumni Homecoming Weekend.

Noong nakaraang taon ay hindi rin natuloy ang mass wedding dahil wala sa bansa noong araw na iyon si dating PNP Chief Ronald Bato Delarosa.

Facebook Comments

From Advertisers