Pormal nang bubuksan ngayong araw ang Filipino Christmas season sa Malacañang, kasabay ng seremonyal na pagpapailaw ng Christmas tree.
Sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), gagawin ito sa Kalayaan grounds sa Malacañang mamaya na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Family.
Batay sa ulat ng PCO, ipapalamuti sa papailawang Christmas tree ang mga entries sa Isang Bituin, Isang Mithiin nationwide parol-making contest na gawa ng mga estudyante mula sa ibat ibang kolehiyo at unibersidad.
Iianunsyo rin mamaya ang mga nagwagi sa parol-making contest na may premyo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Facebook Comments