Hindi na muna ginawa ang tradisyunal na programa, parada at flyby sa pagdiriwang ng ika 86 na anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong araw.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Andres Centino na ito ay para hindi makasagabal sa on-going na humanitarian and disaster relief operations na isinasagawa ng AFP sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong “Odette”.
Ang pagdiriwang aniya ng bawat sundalo sa kanilang anibersayo ay nasa puso’t isipan habang ginagawa ang kanilang trabaho na pagtulong sa mga biktima ng bagyo.
Ito aniya ang tamang paraan ng pagpapahalaga sa kanilang mahabang kasaysayan ng serbisyo at tradisyon ng sakripisyo para sa mamayan.
Dagdag pa nito mahalaga sa ngayon ay mabigyan ng sense of security ang mga biktima ng trahedya ngayon Pasko.
Nagbigay-pugay naman si Lt. Gen. Centino sa lahat ng Sundalo, Sailor, Airman, at Marine na patuloy na inilalagay sa panganib ang kanilang buhay sa pagganap ng kanilang tungkulin na paglingkuran ang taumbayan.