Tradisyunal na Vin D’ Honneur sa Palasyo ng Malacañang, kanselado sa pagidirwang ng ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan

Manila, Philippines – Kanselado na ang tradisyunal na Vin D’honneur sa palasyo ng Malacañang sa Lunes kasabay ng paggunita sa ika-119 na anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutukan muna ang sitwasyon sa Mindanao.

Gayunman, tiniyak ng Palasyo na pangungunahan ng Pangulo ang flag raising ceremony gayundin ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Luneta sa Maynila sa Lunes ng umaga.


Dalawang taon lamang ginagawa ang Vin D’honneur o ang pagsasama-sama ng diplomatic corps na pinangungunahan ng Pangulo tuwing Bagong Taon at Araw ng Kalayaan maliban pa sa inagurasyon ng bagong Pangulo ng bansa.
DZXL558

Facebook Comments