Kasunod ng flag raising at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal, pinangunahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Palasyo ng Malacañang ang tradisyunal Vin D’Honneur o Wine of Toast.
Dumalo sa naturang event ang iba’t ibang matataas na opisyal ng gobyerno, mga dating presidential families, miyembro ng Kongreso, hudikatura, at diplomatic corps, at private sector.
Dumating na rin sa okasyon ang mga foreign dignitaries mula sa Russia, Croatia, at maging si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian.
Nagkaroon din ng maikling pag-uusap sina Ambassador Huang Xi Lian at Pangulong Marcos sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Samantala, absent naman si Vice President Sara Duterte sa naturang event.
Ang Vin D’Honneur ay tradisyunal sa salu-salo na pinangungunahan ng pangulo tuwing Bagong Taon at Independence Day.
Ito’y para na rin magkaroon ng casual na pag-uusap o makapagkwentuhan ang mga imbitado.
Sa naturang event din ay ginagawa ang nagto-toast ng alak ang pangulo kasabay ng kaniyang mensahe para sa Araw ng Kalayaan.
Sasagutin naman ito ng isang mensahe rin mula sa Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.
Sa naturang okayson din ay inilahad ng pangulo ang kaniyang mga panawagan sa pagkakaisa ng bansa at pagpapalakas ng ugnayan ng lahat.