Binasbasan ni Monsigñor Vic Bauson Kura Paroko ng San Juan kaninang umaga ang banal na tubig at imahe ni San Juan Bautista sa Saint John the Baptist Parish at nag-ikot sa lahat ng Barangay sa San Juan.
Dahil sa banta ng COVID-19, sa halip na tradisyunal na basaan, pagbabasbas na lang ang ginawa sa pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival sa lungsod.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, minabuti nilang gawin ngayong taon na ipagbabawal muna ang basaan para maiwasan na rin ang pagtitipon-tipon ng mga tao sa mga lansangan na posibleng marami ang mahawahan ng COVID-19 dahil sa wala ng social distancing.
Pinayuhan ng alkalde ang mga residente na gustong makita ang pagdiriwang ng Wattah Wattah na manatili sa tapat ng kanilang mga bahay at sumunod sa physical distancing at magsuot din ng face mask o shield.
Paliwanag ni Mayor Zamora na maaari naman silang dumungaw sa kanilang bahay para mabasbasan pag-ikot ng imahe ni San Juan Bautista.