Traditional fishing, hindi applicable sa EEZ ng Pilipinas – Carpio

Iginiit ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang traditional fishing ay hindi applicable sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Carpio – ang traditional fishing ay nag-a-apply lamang sa territorial sea at archipelagic waters.

Malinaw sa arbitral ruling noong 2016 na ang Reed Bank ay bahagi ng EEZ ng Pilipinas at wala dapat nangyayaring traditional fishing sa lugar.


Aniya, ang traditional fishing ay isang artisanal fishing na gumagamit ng maliliit na bangka na may outriggers.

Hindi rin maaaring makwalipika para sa traditional fishing ang Chinese steel-hulled trawlers.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA na ini-invoke niya ang traditional fishing rights nang payagan niyang mangisda ang mga Chinese sa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Facebook Comments