Traditional na New Year’s Call kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, isinagawa ng pamunuan ng QCPD

PHOTO: QC Mayor Joy Belmonte/Facebook

Isinagawa kanina ang tradisyunal na New Year’s Call ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) kay Mayor Joy Belmonte.

Kasama ni QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan ang mga miyembro ng command group, mga chief ng directorial staff, lahat ng station commanders at iba pang opisyal ng QCPD sa naturang event.

Ipinaabot ni General Maranan ang kaniyang pasasalamat kay QC Mayor Joy Belmonte sa walang sawang suporta na ibinibigay ng LGU sa mga programa ng QCPD at ganoon din ang pagsuporta ng pulisya sa lahat ng programa ng lokal na pamahalaan.


Nagpasalamat din si Mayor Joy Belmonte sa pamunuan ng QCPD sa maayos na pagpapatupad ng batas sa lungsod.

Ipinangako pa ni Gen. Maranan sa alkalde ang patuloy na pagbabantay at pagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan lalong-lalo na ang kapakanan ng mga taga-QC.

Facebook Comments