Ngayong bisperas ng pasko, abala na ang maraming Dagupeño sa paghahanda ng kanilang noche buena, kung saan nangingibabaw pa rin ang mga tradisyunal na lutong Pinoy.
Kabilang sa mga madalas ihanda ang kaldereta, menudo, afritada, at mechado, mga ulam na matagal nang bahagi ng hapag-kainan tuwing pasko.
Para kay Amy, isang tindera ng karinderya, hindi nawawala sa kanilang mesa ang mga lutong karne gaya ng nilaga tuwing Noche Buena.
Maging sa panghimagas, mas pinipili pa rin niya ang mga classic Pinoy dessert na pasok sa panlasang nakasanayan.
Bagamat bukas ang mga Pilipino sa food innovation at bagong putahe, nananatiling hinahanap-hanap tuwing Pasko ang mga tradisyunal na luto — mga pagkaing sumasalamin sa kultura at nagsisilbing sentro ng salo-salo at pagkakaisa ng pamilya sa noche buena.









