Wagi ang Atlanta Hawks sa dikit na laban kontra Los Angeles Clippers kanina.
Sa final score na 123-118, nanguna sa panalo ng Hawks ang guard player nito na si Trae Young matapos sumalaksak ng 26 points.
Dinagdagan pa ito ng 22 puntos ni John Collins at 19 puntos ni Alex Len.
Kumamada naman ng 30 points para sa Clippers si Tobias Harris habang nasayang din ang ambag na 21 points ni Lou Williams at 18 points ni Montrezl Harrell.
Sa Huwebes, sunod na makakalaban ng Hawks ang Sacramento Kings habang babanggain ng Clippers ang Los Angeles Lakers sa Biyernes.
Facebook Comments