Manila, Philippines – Simula bukas, November 11, bawal nang dumaan sa maraming pangunahing kalsada ang mga truck at closed van.
Bahagi ito ng ipatutupad na security measures para sa ASEAN summit hanggang November 15.
Sa abiso ng MMDA, bawal na munang dumaan ang lahat ng truck at closed van sa:
EDSA – mula balintawak hanggang magallanes
Roxas Blvd. – mula Buendia Ave. hanggang Ayala Blvd.
Burgos, finance road at Ayala Blvd. – mula Roxas Blvd. hanggang Carlos Palanca
Mula alas 12:01 naman ng madaling araw sa November 12 bawal na rin ang lahat ng truck at closed vans na dumaan sa kahabaan ng SCTEX at North Luzon Expressway.
Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Facebook Comments