Nagsimula nang bumigat ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway kahapon.
Sa Balintawak Toll Plaza, humaba ang pila ng mga sasakyang pa-norte pagsapit ng alas tres ng hapon.
Umabot naman ng hanggang dalawang kilometro ang traffic build up sa Bocaue Toll Plaza.
Ayon kay NLEX Traffic Operations Head Robin Ignacio, isa sa dahilan ng traffic sa expressway ay ang pagdagsa ng mga bumibili ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Marahil aniya, may iba rin na nag-leave na sa trabaho para maagang makabiyahe pauwi ng probinsya.
Gaya noong Pasko, magpapakalat din ang NLEX ng karagdagang tauhan bilang paghahanda sa New Year exodus.
May free towing din para sa mga magkaka-problemang class 1 vehicle simula bukas, 6 a.m. hanggang 6 a.m. ng January 2.