Traffic Enforcer binaril at namatay sa Surigao City

Traffic Enforcer binaril at namatay sa Surigao City. Kinilala ang biktima na si Jeffrey Eder Murillo, 40 taong gulang at naninirahan sa Brgy. Trinidad, Surigao City. Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, si Murillo noong mangyari ang pamamaril ang sakay ng kanyang motorsiklo pauwi na sana sa kanilang bahay. Nang marating ang Purok 3 sa Brgy. Trinidad diumano’y may dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklong kulay itim at walang plate number ang pinaputukan ng tatlong beses si Murillo na tinamaan sa tiyan. Matapos ang pamamaril tumakas kaagad ang mga suspek samantalang dinala si Murillo ng mga nakakita sa Caraga Regional Hospital at kalaunay inilipat sa isang ospital sa Butuan City, iilang oras lang ang nakalipas binawian rin ng buhay ang biktima. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa iba’t ibang anggulo sa nangyaring pamamaril.

Sent from my iPhone

Facebook Comments