Calasiao Pangasinan – Kumakalat ngayon ang viral video ng isang traffic enforcer sa Calasiao Pangasinan dahil sa kasipagan nito. Sabado ng kinunan ng facebook user na si Jordan Geron ang isang Public Order and Safety Office Enforcer na nagmamando ng trapiko kahit sa kasagsagan ng malakas ng ulan.
Sinadya ng aming news team ang nasabing enforcer sa viral na video at nakilala itong si POSO Enforcer Ferdinand Vinluan. Nakakuha ng paghanga at papuri mula sa mga motorista at netizens si Vinluan dahil sa kasipagan na ipinakita nito. Ayon sa kanyang kwento napansin umano nito na bumigat ang trapiko dahil wala umanong nagbibigayan sa motorista kaya napilitan itong suungin ang malakas na ulan upang manduhan ang trapiko sa rotunda ng Calasiao at Dagupan.
Tatlo umano silang naka-duty sa oras na yun ngunit mas pinili ni Vinluan na siya na ang magmando ng trapiko sa gitna ng ulan dahil malapit lamang ang kaniyang bahay at makakapagpalit naman umano siya ng damit agad-agad. Ayon pa kay Vinluan na ginampanan lamang niya ang kaniyang trabaho bilang isang traffic enforcer sapagkat yun ang kaniyang sinumpaang tungkulin.
Nagpapasalamat naman ito sa nag-upload ng video na si Jordan Geron dahil sa kaniya ay napansin ang dedikasyon nito. Apela niya sa mga motorista na huwag ng i-bash ang mga POSO Enforcer sapagkat hindi basta basta ang ginagampanan nilang trabaho sa araw-araw. Dating security guard sa isang mall si Vinluan at ngayon tatlong taon ng nagsisilbi bilang POSO Calasiao Enforcer. Sa ngayon nasa higit 83k views at higit 1.5k na shares ang nasabing video.
Click here to watch Viral Video