Traffic enforcer, patay nang magulungan ng sinitang 10-wheeler truck

1557

Nasawi ang isang traffic enforcer nang magulungan ng isang 10-wheeler truck nitong Lunes, Oct.21, sa Caloocan.

Ayon sa Caloocan Police, sinita ng biktima na si Jesus Paulite ang naturang truck sa kadahilanang hindi raw maaaring dumaan sa Samson road ang mga malalaking sasakyan.


Nang itinatabi na umano ng driver ang truck ay hindi nito namalayan na nagulungan na si Paulite.

Dito ay agad na idineklarang patay ang biktima.

Samantala, hawak na ng pulisya ang driver ng truck para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers