
Nakalatag na ang magiging Traffic Management Plan ng Metro Manila Development Authrority (MMDA) para sa magaganap na Trillion Peso March Rally sa Luneta sa Maynila at EDSA People Power Monument sa Quezon City sa Linggo, November 30.
Kung saan nakipagpulong si MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana sa mga traffic enforcement unit heads.
Kanilang napag-usapan ang pag-asiste ng ahensya sa daloy ng trapiko at pagde-deploy ng kanilang mga equipment at emergency response team sa mangyayaring rally sa Linggo.
Samantala, pagaganahin din ng MMDA ang kanilang Emergency Operations Center upang i-monitor ang sitwasyon ng trapiko sa paligid ng mga lugar kung saan gaganapin ang malawakang kilos-protesta.
Facebook Comments









