Traffic re-routing, ipatutupad sa San Juan sa Undas

Nag-abiso ang San Juan Local Government Unit (LGU) sa mga motorista hinggil sa ipatutupad na traffic re-routing sa kahabaan ng Boni Serrano sa araw ng Undas, November 1.

Layon nito na matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng trapiko sa inaasahang pagdagsa ng mga tutungo sa San Juan City Cemetery.

One-way ang ipatutupad sa harap mismo ng San Juan City Cemetery hanggang sa 2nd Avenue malapit sa Kampo Crame.


Pinapayuhan ang mga motoristang magmumula ng EDSA na papasok ng San Juan na kumanan sa 2nd Avenue, kumaliwa sa Mariposa, tuloy-tuloy hanggang C. Benitez patungo sa destinasyon.

Tatagal ang naturang traffic re-routing hanggang sa Nobyembre 3.

Facebook Comments