Traffic re-routing sa mga sementeryo sa Marikina, inilatag na

Manila, Philippines – Nailatag na ng Marikina City hall, ang traffic re-routing schemes sa lahat ng mga sementeryo sa lungsod.

Sa advisory, sisimulan ang trapik re-rouriting sa October 31, alas dose ng tanghali na magtatagal hanggang sa November 1, alas dose ng hatinggabi.

Dahil dito’y magiging one-way ang eastbound lane ng A. Bonifacio Avenue mula Barangka fly-over hanggang Shoe Avenue.


Kayat ang mga magtutungo sa Loyola Memorial Park ay pinapadaan sa Marcos Highway patungo sa Barangka Fly-over at Shoe Avenue stop light.

Bubuksan din ang gate 2 ng Loyola Memorial Park bilang entrada papasok sa sementeryo.

Samantala ang main entrance ng Loyola ay siyang magsisilbing labasan ng motoristang galing sa loob ng cementeryo, kakanan sa Paspasan St. kakaliwa sa
Chorillo St., pakaliwa sa riverbanks na bubuksan naman patungo sa soutbound Marcos Highway.

Pinapayagan naman ang mga motorista na magparada sa paligid ng riverbanks mall.

Samantala, ang apat pang sementeryo sa Marikina partikular ang (Our Lady of the Abandoned Parish Cemetery, Holy Child Cemetery, Aglipay Cemetery, at Barangka Cemetery) Ay may mga nakalatag na
command post.

Facebook Comments