Nag-patupad ng traffic rerouting ang pamahalaang lokal ng Maynila para sa nalalapit na Southeast Asian Gameso (SEA) Games.
Simula pa kagabi, Nobyembre a-30 isinarado na ang North at Southbound lanes mula Quirino Avenue hanggang P. Ocampo ng Adriatico Street sa Malate.
Diretso Buendia papunta kung saan man ang mga sasakyan na nasa Westbound lane ng P. Ocampo, na galing ng Taft Avenue.
Ang mga sasakyang nasa eastbound lane ng P. Ocampo ay dederetchong Taft Avenue imbis na dadaan sa Adriatico.
Sa Roxas Boulevard, diretso ang mga sasakyan na nasa westbound lane ng P. Ocampo na pupunta sana sa Adriatico.
Sa mga nasa Eastbound lane naman ng P. Ocampo na dadaan sana sa Adriatico, posibleng dumeretso sa Taft Avenue.
Gaganapin ang SEA Games mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa iba’t-ibang panig ng bansa kung saan mapapanood ang mga laro sa Manila Hotel, Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Coliseum.