Manila, Philippines – Naglabas na ang MMDA ng traffic rerouting plan para sa gaganapin ASEAN summit ngayong Linggo.
Magpapatupad ng “stop and go” scheme ang MMDA sa mga lugar kung saan inaasahan ang matinding pagbibigat ng daloy ng trapiko partikular sa Pasay, Maynila at Makati.
Magkakaroon din ng 30-minute lockdown para bigyang daan ang convoy ng mga summit participant.
Kaugnay nito, lahat ng mga sasakyan na lalabas sa Paseo De Roxas Street papuntang Arnaiz Avenue ay dapat kumanan sa Benavidez Street, kanan ulit sa Trasierra Street at kaliwa naman sa Gamboa Street.
Mula Gamboa Street, kakanan sa Rufino Street papunta sa Don Chino Roces Avenue (Pasong Tamo) at Javier Street o pwedeng mag U-turn sa Amorsolo at Rufino Streets at kanan naman sa Fernando Street.
Sakaling bumigat ang daloy ng trapiko sa Esperanza Street dahil sa lockdown, sinabi ng MMDA na maaaring dumaan ang mga sasakyan sa paseo de roxas street at kanan sa ayala avenue papalabas ng EDSA.
Pinayuhan din ng MMDA ang mga motoristang dadaan o manggagaling sa northbound lane ng Roxas Boulevard na kumanan sa EDSA/ Arnaiz/ Buendia saka kumaliwa sa Taft Avenue, kaliwa ulit papuntang United Nations Avenue/ Finance Road papuntang destinasyon.
Habang sa southbound ng Roxas Boulevard, kumaliwa sa P.Burgos/ Kalaw/ United Nations Avenue saka kumanan sa Taft Avenue, kanan ulit sa Buendia Avenue/ EDSA at kaliwa sa Roxas Boulevard papuntang destinasyon.
DZXL558