TRAFFIC REROUTING SCHEME, IPATUTUPAD SA PAG-USAD NG MGA AKTIBIDAD KASUNOD NG URDANETA CITY FIESTA

Inilabas ng lokal na pamahalaan ang abiso sa publiko na ang Amadeo Perez Avenue sa Poblacion ay pansamantalang isasara sa lahat ng uri ng sasakyan dahil sa pagdiriwang ng taunang Tuno-Tuno Festival, ngayong Biyernes, December 5,2025.

Ayon sa traffic advisory, ang road closure ay para tiyakin ang kaligtasan ng mga kalahok at manonood ng festival, pati na rin upang masiguro ang maayos na daloy ng aktibidad sa kalsada.

Ang lahat ng motorista na patungong Dagupan, Baguio, at Manila ay pinapayuhang gamitin ang Urdaneta Bypass Road bilang alternatibong ruta. Magkakaroon ng traffic personnel na naka-deploy sa strategic points upang tulungan ang mga motorista at pamahalaan ang trapiko.

Pinayuhan ang publiko na maglaan ng sapat na oras sa kanilang biyahe at planuhin nang maaga ang ruta upang maiwasan ang pagkaantala. Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa kooperasyon at pang-unawa ng mga motorista at nanawagan sa lahat na mag-ingat sa kalsada habang isinasagawa ang selebrasyon.

Ang Tuno-Tuno Festival ay isa sa mga pinakaaabangang kultural na aktibidad ng lungsod, kaya’t hinihikayat ang publiko na makiisa sa kasiyahan habang pinapanatili ang kaligtasan sa kalsada.

Facebook Comments