
Dahil sa krisis sa langis, mistulang nasolusyunan na ang traffic sa EDSA.
Kapansin-pansin ang maluwag na daloy ng trapiko sa EDSA ngayong bandang 9AM, Marso 12.
Wala na ang halos bumper to bumber na daloy ng sasakyan.
Kapansin-pansin na kakaunti na ang bilang ng lumalabas na sasakyan dahil sa posibleng kakaunti na lang ang lumalabas ng kanilang tahanan dahil nagtitipid sa gastos sa gasolina.
Ito’y kasunod ng pagpapatupad ng malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo bunsod ng lumalalang tensyon sa Middle East.
Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), inaasahang tataas pa ang presyo ng gasolina ng P7.00 kada litro hanggang P13.00, P17.50/L hanggang P24.25 para sa diesel, at P32.00/L hanggang P38.50 para sa kerosene.
Facebook Comments










