Traffic summit, ilulunsad ng pamahalaan para tugunan ang matinding problema sa trapiko sa bansa

Maglulunsad ng traffic summit ang pamahalaan ngayong linggo para matugunan ang matinding problema sa trapiko ng bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layunin ng summit na makabuo ng mga mungkahi at hakbang kung paano maibsan o mabawasan ang problema sa trapiko.

Inaasahang dadaluhan ng stakeholders ang summit na gaganapin sa San Juan City sa April 10, Miyerkules.


Matatandaang isa ang problema sa traffic sa mga napag-usapan sa cabinet meeting ng pangulo nitong nakalipas na linggo kasunod ng naranasang bigat ng daloy ng trapiko noong Semana Santa.

Kaugnay nito, hinimok ni Pangulong Marcos ang publiko na makilahok sa traffic summit at magbigay ng suhestiyon para makabuo ng mga hakbang na lulutas sa matinding problema sa trapiko.

Facebook Comments