Manila, Philippines – Nagkasundo ang Metro Manila Council (MMC) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na taasan ang multa para sa mga pasaway na motorista.
Ito ay makaraang aprubahan ng MMC ang resolusyon ng MMDA na pag-isahin na lang ang multa para sa 20 traffic violations na madalas makitaan ng paglabag.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago – naturingang ahensya sa ilalim ng Office of the President ang MMDA pero ito pa ang nagpapataw ng pinakamababang multa.
Dahil dito, ipapantay ng MMDA ang ipatutupad nilang parusa sa local government unit na nagpapataw ng pinakamataas na multa.
Umaasa naman ang MMDA na magbabalangkas na rin ng kani-kanilang ordinansa ang mga lungsod sa Kamaynilaan para sundin ang ipinasang resolusyon.
Facebook Comments