TRAHEDYA | Bilang ng mga bangkay na narekober sa Itogon landslide, nasa 22 na

Umakyat na sa 22 ang bilang ng mga bangkay na nahukay sa nangyaring landslide sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Tatlong bangkay ang nakuha sa ibabang bahagi ng bundok.

Patuloy namang pinaghahanap ang nasa 40 iba pa na sinasabing natabunan rin ng gumuhong lupa.


Nasa state of decomposition na ang mga bangkay kaya naman nagpasya ang pulisya na sa ibang lugar na iproseso ang mga katawan.

Puwede namang magpunta ang mga nawawalan ng kapamilya sa partikular na lugar para kilalanin kung kaanak nga nila ang na-recover mula sa landslide.

Facebook Comments