TRAHEDYA | Bilang ng mga bangkay na narekober sa Itogon landslide, nasa 29 na

Umakyat na sa 29 mga bangkay ang nahukay habang 40 naman ang hinahanap pa sa nangyaring landslide sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Ayon kay PRO Cordillera Regional Director Chief Superintendent Rolando Nana, inaasahan namang mapapabili na ang paghuhukay sa lugar dahil sa pagpasok ng heavy equipment na tutulong sa pagtanggal ng lupa.

Nasa 1,000 na aniya ang bilang ng mga rescuer na nagtutulong-tulong para mas bumilis ang search, rescue at retrieval ops sa mga biktima.


Hindi muna pinayagan ng Mines and Geosciences Bureau-Cordillera na bumalik sa Barangay Ucab ang may 2,000 lumikas na residente dahil delikado pa ang lugar,

Paliwanag ni Benigno Espejo ng MGB, posible pa kasing maulit ang landslide.

Aniya, taong 2011 pa inabisuhan ng MGB ang lokal na pamahalaan na bawal ang mga residente sa lugar.

Depensa naman ni Itogon, Benguet Mayor Victorio Palangdan, hindi nila mapigilan ang mga tao.

Facebook Comments