Itogon, Benguet – Natunton na ng search and rescue team ang bunkhouse at simbahan na natabunan sa landslide sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.
Sa tala ng Philippine National Police-Cordillera, nasa 49 na ang mga bangkay na narekober kung saan pito sa mga ito ay nakuha nitong linggo habang 19 pa ang hinahanap.
Sunod namang papasukin ng search and rescue team ang mga tunnel kung saan posible umanong nagtago ang iba pang mga hinahanap na minero.
Kasabay nito, pinauwi na rin ang mga residenteng lumikas sa mga evacuation centers.
Habang nakatanggap ang mga evacuees na piniling ilipat sila sa Baguio City ng cash assistance na hanggang P5,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Habang sinagot naman ng Diocese of Baguio ang anim na buwang renta sa lilipatan ng bawat pamilya.