TRAHEDYA | Halos 200, nawawala kasunod ng paglubog ng isang ferry sa Indonesia

Indonesia – Umabot na sa 190 tao ang nawawala matapos lumubog ang isang ferry sa Sumatra, Indonesia.

Nabatid na ang maximum capacity lamang ng ferry ay nasa 60 tao.

Hindi pa rin malinaw kung ilan ang bilang ng mga pasaherong sakay ng sea vessel.


Sa ulat, bumiyahe ang ferry sa kabila ng masamang panahon.

Lumalabas na hindi namigay ng ticket ang mga operators, dahilan para walang makitang record kung sinu-sino ang mga sumakay sa ferry.

Facebook Comments