Indonesia – Umakyat na sa 832 ang kumpirmadong patay dahil sa magnitude 7.5 na lindol at tsunami sa Indonesia.
Inaasahang lolobo pa ang bilang ng mga nasawi dahil pahirapan ang rescue lalo na sa mga outlying communities.
Batay sa twitter post ni Indonesian President Joko Widodo, buong bansa silang nagluluksa lalo na sa kanilang mga kababayan sa Central Sulawesi na lubos na tinamaan ng lindol at tsunami.
Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Palu.
Sa ngayon, putol ang linya ng komunikasyon at limitado ang supply ng kuryente.
Nangangailangan din ng gamot, pagkain at matitirhan ang mga apektadong residente.
Naglaan na ang Indonesian Government ng 560 billion rupiah o $37.58 million para sa disaster recovery.
Nagpaabot na rin ng tulong ang Australia, Thailand, China, European Union.
Nanawagan naman ng panalangin si Pope Francis para sa mga biktima ng lindol at tsunami.