TRAHEDYA | Lokal na pamahalaan ng Itogon, problemado sa paghahanap ng permanenteng tirahan ng mga apektado ng landslide

Itogon, Benguet – Sumampa na sa 51 ang bilang ng mga nasawi mula sa gumuhong minahan sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Ito ay makaraang mahukay ng backhoe ang dalawa pang bangkay kaninang umaga.

Ayon naman kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, nasa 31 pa ang hinahanap ng mga tauhan ng search, rescue and retrieval operations sa ground zero.


Pahirapan daw kasi ang operasyon dahil kahit ginamitan na ng backhoe, paisa-isa pa rin lang ang narerekober nilang bangkay.

Samantala, wala pa ring nahahanap na lugar ang alkalde kung saan pwedeng magtayo ng permanenteng tirahan ang mga residenteng pinalikas mula sa mga lugar na naapektuhan ng landslide.

Aminado rin ang alkalde na kulang na kulang ang pondo nila para matugunan ang naging pinsala ng bagyong Ompong.

Facebook Comments