Ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring landslide sa Naga City sa Cebu na ikinamatay ng 29 na tao.
Sa kaniyang pagbisita sa Naga City, nagpa-abot ng pakikiramay si Pangulong Duterte sa pamilya ng mga nasawi kung saan hinarap din niya ang nasa 1,500 residente ng Sitio Sindulan, Barangay Tinaan City Cebu na inilikas matapos ang naganap na landslide.
Nagbigay din ng pahayag ang Pangulo at sinabing ikinagalit niya ang pangyayari kaya at nais ng Naga City government na mailipat ang mga apektadong residente sa isang lupain na pag-aari naman ng Cebu provincial government.
Kasama ng Pangulo na nagtungo sa Cebu sina DENR Secretary Roy Cimatu, DILG OIC Eduardo Año at Special Assistant to the President Bong Go.
Facebook Comments