TRAHEDYA SA ARABIAN SEA | Container vessel na may siyam na Pinoy crew, nasunog habang naglalayag

Arabian Sea – Namatay kagabi ang isang Thai national na tauhan ng nasunog na barko ng Maersk Line.

Martes ng sumiklab ang apoy sa container vessel habang naglalayag sa Arabian sea patungong Singapore.

Siyam na Pilipino ang kumpirmadong bahagi ng 27-crew team nito.


23 ang nasagip at isinugod sa ospital habang apat pa ang pinaghahanap.

Pero tumanggi muna ang kumpanya ng barko na pangalanan ang mga nawawala pa.

Facebook Comments