TRAHEDYA SA DAAN | 4 na pasahero, sugatan matapos araruhin ng pampasaherong bus ang isang bahay sa Sipocot, Camarines Sur

Camarines Sur – Sugatan ang apat na pasahero matapos araruhin ng pampasaherong bus ang isang bahay sa Sipocot, Camarines Sur.

Sa ulat, nagkaproblema ang Elavil Bus na minamaneho ni Jojie Amadao kung saan nahagip nito ang mga bakod at poste ng Camarines Sur Electric Cooperative hanggang sa sumalpok sa bahay ni Maries Villareal.

Sa lakas ng impact ay totally damage ang bahay ngunit masuwerteng hindi naabot ang mag-ina na nasa loob nito.


Nagtamo naman ng mga sugat at gasgas sa katawan ang apat na pasahero ng bus na kasalukuyang nasa ospital.

Hawak naman na ng mga otoridad ang driver ng bus at inihahanda na ang kaso laban dito.

Facebook Comments