Leyte – Patay ang dalawang menor de edad matapos malunod sa beach resort sa Barangay Tangnan, Carigara, Leyte.
Kinilala ang mga biktima na sina Erica Cajudo, 6-anyos at Amanda Mae Codillo, 8-anyos.
Kasama ng mga biktima ang kanilang mga magulang habang naliligo sa Carigara Bay Karigusan beach resort nang bigla nalang tumaas ang lebel ng tubig sa dagat kaya at tinangay at nalunod ang dalawang bata kasama ang isa pa nilang kabigan na si Renz.
Kaagad dinala sa ospital ang dalawang bata kung saan masuwerteng nailigtas si Renz pero idineklarang dead on arrival sina Erica at Amanda.
Facebook Comments