Camarines Norte – Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero na sakay ng motorbanca sa magkahiwalay na karagatan sa bahagi ng Camarines Norte at Western Samar.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo unang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 19 pasahero lulan ng motorbanca “Jordan 2” sa Sitio Angalan, Banocboc, Calaguas Island, Vinzons, Camarines Norte noong Sabado.
Nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Camarines Norte mula sa clearing out post vinzons tungkol sa lumubog na motorbanca sa naturang lugar kaya at agad na nagtungo sila upang magsagawa ng search and rescue operation.
Napag-alaman na ang motorbanca “Jordan 2” ay patungo sana sa Calaguas Island, pero nasalubong nila ang malalaking alon kaya sila lumubog pero agad naman nailigtas ng Coast Guard Station Camarines Norte.
Habang nailigtas din ng ang 10 mga pasahero ng motorbanca sa bisinidad ng Darahoway Dako Barangay 3 Catbalogan Samar kung saan nasa ligtas ng kalagayan ang naturang mga pasahero.