TRAHEDYA SA DAGAT | Mga labi ng mga tripulante mula sa nasunog na cargo ship, natagpuan na

Manila, Philippines – Nakita na ang tatlo sa apat na nawawalang tripulante sa nasunog na cargo ship na Maersk Honam sa Arabian Sea noong March 6.

Hindi pa nakikilala ang tatlong bangkay na natagpuan sa loob ng barko, habang hinahanap pa ang isa pang nawawalamg seaman, ngunit ayon sa Maersk, dahil sa tindi ng pinsala dulot ng sunog at sa ilang araw na rin na lumipas matapos ang insidente, naniniwala sila na patay na ang lahat ng apat na tripulante.

Dalawa sa mga nawawala ay Pilipino, isa ang Indian at isang South African.


Nakiramay naman ang pamunuan ng Maersk line sa pamilya ng apat na seamen.

Ayon kay Soren Toft, Chief Operating Officer ng Maersk, nasabihan na ang pamilya ng mga biktima at ginagawa nila ang lahat upang makapagbigay ng suporta.

Galing Asya at patungong Europa sana ang barko ng tupukin ng apoy sa Arabian Sea sakop ng India.

Ayon sa Maersk, patuloy pa rin na iniimbestigahan ang pingsimulan ng apoy.

Facebook Comments