Manila, Philippines – Dalawa ang patay at 24 ang sugatan makaraang sumabog ang water tank sa bahagi ng barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon kay San Jose del Monte Police Chief, Supt. Fitz Macariola, nawasak ang water tank at rumagasa ang tubig sa mga bahay at establisyimento sa palibot nito.
Tinatayang aabot sa 2,000 cubic meters ang capacity ng bumigay na tangke.
Sinabi ni Gina Ayson Su ng San Jose del Monte Disaster Risk Reduction and Management Office, inaalam pa nila ang dahilan kung bakit bumigay ang nasabing tangke lalo na’t limang taon pa lamang ito naitatayo.
Kwento naman ng isang caretaker sa lugar, alas 3:30 ng madaling araw nang maganap ang pagsabog at may narinig silang tunog ng pagkasira o crack mula sa tangke.
TRAHEDYA SA MADALING ARAW │ Water tank sa isang barangay sa Bulacan sumabog; 2 patay
Facebook Comments