Trahedya sa Minalabac: Buri, Natumba, Bahay Sapol, Magkapatid Nadaganan, Patay, Nanay Buntis, Nakaligtas. Babala: Mga Larawan, Hindi Kanais-Nais Tingnan

Labis-labis na pagdadalamahati ang nararamdaman ng pamilyang Bolor dahil sa nangyaring trahedya kung saan natumbahan ng malaking puno ng Buri ang kanilang bahay.
Ang pangyayari ay nagresulta sa pagka-ipit at pagkamatay ng dalawang magkapatid na sina Shiela, 13 Grade 2 at Justine, 7 taong gulang.
Sabado ng hapon, petsa 9 ng nakaraang dalawang araw, sa Zone 4, Barangay Mataoroc sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur… Malakas ang hangin ng mga panahong iyon… Hindi inaasahang ng lahat na bibigay ang malaking puno ng Buri malapit sa kinatatayuan ng bahay ng mag-anak. May kalakasan ang hangin…sa pagbigay ng malaking puno, nadagukan ang bahay… Naipit ang magkapatid…Agad na binawian ng buhay ang nakakatandang si Shiela. Buhay pa ng ng maagapan si Justin at nadala pa sa hospital, subalit binawian din ito ng buhay dahil sa tindi ng tama.
Kasama rin ng mga bata sa bahay ang kanilang nanay na si Edlyn. Ayon sa kwento, magkasama ang mag-ina sa bahay….Kumilos si Nanay Edlyn para magtimpla ng kape…kaya napahiwalay ng bahagya sa magkapatid…nang mangyari ang hndi inaasahan. Si Nanay Edlyn ay buntis ng pitong buwan.
Walang mapaglagyan ang luha ng pamilya dahil nasabing pangyayari. Hindi maubos maisip ni Tatay Roberto, na sa lawak ng pwedeng matumbahan sa paligid ng nasabing puno, bakit sa bahay pa nila ito bumagsak… Nag-aani siya ng mga panahong iyon…
Sinikap pa ng mga nasa 50 katao na alisin ang bumaksak na puno, subalit sa sobrang laki nito ay hindi nila nakayanan.
Kasalukuyang pinaglalamayan ang magkapatid sa bahay ng kanilang Lolo sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Pili, Camarines Sur.
Mahirap lamang ang pamilya kung kayat mas hirap sila ngayong kung papaano maitawid ang pagdadalamhati at pagpapalibing sa kanilang 2 mahal na mga anak.
Sa pamamagitan ng radio station RMN Naga DWNX, isinahimpapawid din ang panawagan ng pamilya ng paghihingi ng tulong pinansyal para sa mga kinakailangang gastusin ng nagdadalmhating pamilya.
Photo Credit: Ang mga larawan ay mula sa pamilya ng nagdadalamhati na ibinahagi kay DWNX Reporter, RadyoMaN Paul Santos.









Facebook Comments