Manila, Philippines – Pinatawan ng suspensyon ng LTFRB ang nasa isangdaa’t labing-walong (118) unit ng Dimple Star Transport matapos ang kinasangkutang trahedya ng isang nitong bus sa Occidental Mindoro.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra suspendido ng 30 araw ang operasyon ng mga bus.
Sa April 18 naman itinakda ang pagdinig kaugnay ng nangyaring trahedya na ikinasawi ng 19 na katao.
Mula noong taong 2011, umabot na sa 134 ang nasugatan at 25 ang nasawi sa mga aksidente na kinasangkutan ng mga unit ng Dimple Star.
Nanganganib din na tuluyang masuspinde ang prangkisa ng dimple star matapos ang isinagawang inspeksyon ng LTFRB sa terminal nito sa Quezon Avenue kahapon.
Ayon kay Delgra walang maayos na upuan sa terminal habang tarapal lang ang silungan ng mga pasahero.
Naka-depende sa magiging sagot ng bus company kung maire-renew pa ang kanilang prangkisa.