
Kinumpirma ni Quezon City Police District (QCPD) OIC Director Police Col. Randy Glenn Silvio na nagpositibo sa iligal na droga ang trailer truck driver na naaksidente sa Batasan San Mateo Road.
Nabatid na sa nabanggit na aksidente, tatlo ang patay habang pito ang sugatan matapos umanong mawalan ng kontrol ang truck driver na bumangga sa ilang sasakyan at nakasagasa ng pedestrian.
Ayon kay PCol. Siaxlvio, isinailalim sa alcohol breath analyzer (ABA) at drug test ang driver na si alyas “Eruel.”
Ito ay sa ilalim ng Section 7 of Republic Act No. 10586, o ang Anti-drunk and Drugged Driving Act of 2013.
Nagnegatibo sa alcohol test ang driver na isinagawa ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) pero nagpositibo naman sa drug test ng forensic unit ng QCPD para sa shabu.
Sa pagsusuri naman sa naaksidenteng truck, walang natagpuan na anumang iligal na droga o paraphernalia ang QCPD.
Dahil dito, maliban sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, at multiple damage to property na isinampa laban sa suspek nuong may 30, sasampahan ng dagdag na kasong paglabag sa Section 7 ng Anti-drunk and Drugged Driving Act of 2013 ang driver.









