Trailer Truck na Tumagilid sa Palusong na Daan sa Bagabag, Nueva Vizcaya, Drayber at Helper nito-PATAY!

551

*Bagabag, Nueva Vizcaya-* Patay ang isang drayber at helper matapos tumagilid ang minamanehong Trailer Truck na naglalaman ng 800 sako ng Feeds bandang 11:00 kaninang umaga partikular sa National Highway ng brgy Villaros, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga biktima na sina Richard Evangelista, 32 anyos, driver ng nasabing trailer at residente ng Orbiztondo, Pangasinan habang ang helper nito ay kinilalang si Ginaro Bumagat Dizon, 20 anyos at residente ng Guimba, Nueva Ecija.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Bagabag, binabaybay ng drayber ang nasabing lansangan patungong Echague, Isabela subalit nang marating ang paliko at palusong na bahagi ng daan ay na-out balance umano ito na nagresulta sa pagkatumba ng trailer truck.

Sa pagresponde ng Provincial Red Cross ay wala ng pulso ang dalawang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments