Trailer truck na tumagilid sa Sampaloc, Maynila, pahirapan alisin

Photo by Radyoman Emman Mortega

Inabot ng higit tatlong oras bago tuluyang naitabi ang isang trailer truck na tumagilid sa kahabaan ng Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasabing 18-wheeler na truck na may plate number na CAM 7876 ay may kargang mga semento kung saan alas-5:30 ng umaga pa nang mangyari ang insidente.

Photo by Radyoman Emman Mortega | RMN Manila

Kwento ng driver ng truck na si Marlon Marcelino, tumagilid ang hulihang bahagi ng truck nang lumiko siya sa Lacson Avenue mula A. Mendoza Street saka ito tuluyang tumagilid.

Pawang mga galos sa katawan ang natamo ng driver at dalawang pahinante nito pero nasa maayos naman silang kalagayan.

Photo by Radyoman Emman Mortega | RMN Manila

Nabatid na galing ng Mariveles sa Bataan ang trick at papunta sana ng Sto. Tomas, Batangas ng maganap ang insidente.

Photo by Radyoman Emman Mortega | RMN Manila

Bahagya naman nagdulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa may bahagi ng Lacson Avenue partikular ang patungong España.

Facebook Comments