Trailer truck, sinunog ng mga hinihinalang NPA sa Agusan del Norte

431

Hinarang at sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang Hino Prime Mover 10-wheeler trailer truck ng Axelum Resources Corp. na may kargang niyog sa national highway, Sitio Banga, Brgy. Cuyago, Jabonga, Agusan del Norte, alas tres ng hapon, Hunyo 24.

Ayon kay Lt. Col. Glenn Joy Aynera, Battalion Commander ng 30th IB, Phil. Army hinarang nang mahigit kumulang sa sampung armadong kalalakihan sa lugar ang truck na galing pa sa bayan ng Claver, Surigao del Norte patungong Medina, Misamis Oriental para mag-deliver ng niyog.

Pinababa umano ang driver na si Restituto D. Ponsardas, 55 na taong gulang, residente ng Brgy. 22, Gingoog City, Misamis Oriental bago sinunog ang trailer truck at pinagbabaril din ang mga gulong nito.


Dahil sa insidente, na-stranded ng mahigit kumulang sa 30 minuto ang mga motorista sa daan at matapos ang panununog agad na umalis sa lugar ang mga armadong lalaki.

Facebook Comments